Saturday, October 15, 2011

Mga Tambalang Salita

Narinig o nabasa nyo ba ang mga salitang ito?


1.             Abot-agawin
-       buto sa gitna ng likod mula sa batok hanggang sa kuyokot
2.             Abot-balita
-       naaabot ng balita
3.             abot-dinig
-       naaabot ng pandinig
4.             abot-kisap
-       isang kisapmata
5.             abot-sabi
-       pahatid na pasabi; sulat, kalatas
6.             abot-sigaw
-       naaabot ng sigaw o hiyaw
7.             abot-tanaw
-       pook na parang tagpuan ng langit at lupa
-       layong abot ng pananaw o paningin
8.             abot-tawag
-       nararating ng tawag; naabot ng sigaw
9.             abot-tubo
-       unang dating ng regla ng isang babae
10.         akdang-buhay
-       nobela; kathambuhay
11.         agaw-buhay
-       nasa malubhang kalagayan; malapit nang mamatay
12.         agaw-dilim
-       papalubog na ang araw
13.         Agaw-lihi
-       anumang bagay na nakapipigil sa paglilihi
14.         Agaw-liwanag
-       pagsikat ng unang liwanag ng araw
15.         Agaw-timbang
-       bigat na tumitimbang sa iba pang bigat; ang katumbas na bigat
16.         Agaw-tulog
-       kalagayang nasa pagitan ng pagkatulog at pagkagising; halos makatulog na
17.         agila-baybayin
-       bakald na inuumang mga 50 yarda mula sa gilid ng look ng Maynila
18.         agwabendita
-       tubig na binasbasan ng pari
19.         agwa distilada
-       distilador
20.         agwa marina
-       batong maberde-berdeng asul na inilalagay sa mga hiyas; asul-berdeng mura
21.         agwatyempo
-       inuming sadyang inihanda para sa maysakit nang magkabisa agad ang gamot na ipinaiinom
22.         akdang-guro
-       obra maestra
23.         aklat-katitikan
-       aklat na kinasususlatan ng mga talasa isang pulong
24.         aklat-sanayan
-       aklat na ginagamait na patnubay sa gawain ng isang mag-aaral na naglalaman ng iba’t ibang kaalaman, mga tanong at iba pang uri ng pagsasanay
25.         aklat-tuusan
-       aklat na pinagtatalaan ng mga kwenta at iba pang unawaaang pangkalakalan
26.         alagaw-gubat
-       isang uri ng palumpong
27.         amang-bayan
-       punong-bayan, alkalde, pinuno
28.         amang-binyag
-       ninong sa binyag
29.         amang-kasal
-       ninong sa kasal
30.         amang kumpil
-       ninong sa kumpil
31.         amang-lalawigan
-       gobernador
32.         anak-araw
-       albino, taong ipinanganak na may kakulangan sa kulay ng balat at mata
33.         anak-pawis
-       manggagawa, taong mahirap
34.         aral-kapatid
-       paying-kapatid
35.         asal-bata
-       nasa hustong gulang na subalit kilos o ugaling bata pa
36.         asal-hayop
-       taong masama ang ugali
37.         bagamundo
-       taong lagging lakad nang lakad at walang palagiang gawain
38.         baging-gapang
-       halamang gumagapang sa anumang bagay na makakapitan
39.         bahaghari
-       balantok na nakabadha sa kalawakan ng langit at mau sarisaring kulay
40.         bahay-bata
-       bahagi sa katawan ng babae kung saan nabubuo ang bata
41.         bahay-guya
-       kinalalagyan ng guyang hindi pa ipinapanganak
42.         bahay-kalakal
-       gusaling pangnegosyo
43.         bahay-kanin
-       tiyan (kung sa tao), butse (kung sa ibon o manok)
44.         bahay-pamahalaan
-       sa lalawigan, ito ang kapitolyo at munisipyo naman sa bawat bayan
45.         bahay-pari
-       kumbento
46.         baklad-alangan
-       baklad na inuumang sa look ng Laguna sa dakong hindi kalaliman o kababawan
47.         baklad-bukana
-       baklad na inuumang sa Maynila at ang  paghuli ng isda ay sa pamamagitan ng gayad
48.         baklad-gilid
-       bakald na inuumang mga 50 yarda mula sa gilid ng look
-       sa look ng Laguna, ito ay iisa ang pabahay
49.         baklad-laot
-       baklad na inuumang sa malalim na tubig
50.         baklad-malamba
-       baklad na inuumang sa malalim na tubig tulad ng baklad-laot
51.         baklad-pandak
-       baklad na inuumang sa mataas na tubig
52.         baklad-salukan
-       baklad na inuumang sa malalim na tubig
53.         balang-araw
-       sa darating na araw na hindi tiyak
54.         balat-buwaya
-       tumpuk-tumpok o hiwa-hiwalay na ulap sa langit
55.         balat-kayo
-       kasuotang nagkakanlong sa anyo ng nagsususot
56.         balatong-aso
-       uri ng palumpong
57.         balbas-hipon
-       malalaki at matitigas na balbas
58.         balbas-pusa
-       madalang at bagu-bago pang lumalabas na balbas
59.         balibago
-       isang uri ng puno
60.         balik-loob
-       pagsisisi sa mga kasalanang nagawa
61.         balik-inihaw
-       (idyom) balisa
62.         balik-saya
-       gruppo ng mang-aawit na naglalakbay sa ibang bansa upang magpalabas ng mga awiting Pilipino
63.         balilang-uwak
-       uri ng punong-kahoy na maliit
64.         balisaksak
-       malusog, malakas at nasigla
65.         balisawsaw
-       sa sa pag-ihi na karaniwan ay masakit ang paunti-unting paglabas ng ihi
66.         bantolinaw
-       ang pagdidilim ng araw sa pagsisimula ng eklips
67.         batikola
-       kagamitang yari sa balat, karaniwang nakasagka sa buntot ng kabayo kung ito ay isinisingkaw
68.         batong-dapi
-       batong maputi at matigas na tinatawag na marmol
69.         batong-kawayan
-       tila bubog na nakukuha sa loob ng biyas ng kawayan na karaniwang maputi at makinang tuald ng tawas
70.         batong-pingkian
-       batong pinagkikiskis na gamit sa pagpapaapoy
71.         batong-silyar
-       batong ang tipak ay pare-pareho ng hugis at sukat
72.         batong-uling
-       batong maitim na nahuhukay sa lupa (karbon)
73.         batong-urian
-       batong pinagkikiskisan ng ginto upang matiyak kung ang inuuri ay tunay na ginto
74.         batutang-uwak
-       halamang baging na kahawig ng patola
75.         bayakos-pambangka
-       malaking lambat na ayos pukot na yari sa sinamay at ang nag-uumang ay nasa bangka
76.         bukang-bibig
-       madalas na sinasabi. Laging ipinapahayag
77.         bumbon-hipon
-       bumbon para sa hipon
78.         buntot-maya
-       tumpok ng tumutubong buhok sa gawing gitnang-itaas ng batok
79.         bungang-araw
-       sakit sa balata, maliliit na butlig sa katawan ng tao, ito ay namumula at Makati
80.         butas-baklad
-       baklad na panghuli ng agwas, aligasin, atbp. na inuumang sa Ilog Butas na nilalabasan ng tubig sa Look ng Naujan sa Mindoro
81.         daang-bayan
-       pangunahing daan, lansangan o haywey
82.         dagang-bahay
-       dagang naninirahan sa bahay ng tao
83.         dagang-bukid
-       dagang naninirahan sa bukid at kumakain ng palay
84.         dagang-dingding
-       dagang karaniwang bumubutas ng daraanan sa dingding, sahig o bakod ng silong upang makapasok at makakuha ng pagkain
85.         dagang-kosta
-       dagang maigsi ang tainga o buntot na karaniwan ay puti, itim at kulay-kape
86.         dahong-gabi
-       isdang-alat na nakakahawig ng maya-maya
87.         dahong-palay
-       ahas namaliit at kulay luntian ngunit may mga guhit at patak sa katawan
88.         dalagang-dagat
-       isdang-dagat na may mahabang guhit sa magkabilang tagiliran
89.         dalagang-bukid
-       isdang mahigit isang dangkal na kulay pula na may latag na puti
-       dalagang tagabukid o probinsyana
90.         dapit-hapon
-       oras na palubog na ang araw; dakong hapon
91.         duhat-matsing
-       uri ng palumpong
92.         Tengang-kawali
-       taong nagbibingi-bingihan
93.         madaling-araw
-       pagsisimula ng pagsikat ng araw
94.         tanghaling-tapat
-       eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
95.         ingat-yaman
-       trsyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o organisayon
96.         Matapobre
-       mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
97.         patay-gutom
-       palaging gutom, matakaw
98.         hampaslupa
-       mahirap, pobre, pulubi
99.         hatinggabi
-       eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
100.      balat-sibuyas
-       iyakin, madaling umiyak, mababaw ang luha
101.      silid-aklatan
-       silid kung saan inilalagak ang mga aklat at iba pang babasahin
102.      Bukang-liwayway
-       Mag-uumaga, pagitan ng umaga at madaling-araw
103.      akyat-bahay
-       magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
104.      boses-palaka
-       pangit kumanta, sintunado
105.      ningas-kugon
-       sinisimulan ang isang gawain ngunit hindi tinatapos
106.      takipsilim
-       oras na palubog na ang araw; dakong hapon
107.      nakaw-tingin
-       pagsulyap sa isang tao nang hindi nalalaman ng tinitingnan
108.      agaw-pansin
-       kapansinpansin, agaw-eksena
109.      sirang-plaka
-       paulit-ulit ang sinasabi
110.      siping-bale
-       kapitbahay
111.      sala-gunting
-       magkakrus o magkahalang
112.      pilikmata
-       maikling buhok na nakapalibot sa gilid ng mata
113.      lakad-pagong
-       mabagal lumakad
114.      hanapbuhay
-       trabaho
115.      Likas-yaman
-       Pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
116.      buntunghininga
-       malalim at mahabang paghinga
117.      tubig-tabang
-       Tubing na naggagaling sa ilog, lawa at iba pang maliit na bahagi ng tubig
118.      urong-sulong
-       Papalit-palit ng desisyon
119.      alilang-kanin
-       utusang walang suweldo, pagkain lamang ang natatanggap na bayad
120.      matanglawin
-       Matalas ang paningin
121.      bantay-salakay
-       taong nagbabait-baitan
122.      balat-kalabaw
-       hindi agad tinatablan ng hiya
123.      saling-pusa
-       pansamantalang kasali
124.      sampid-bakod
-       nakikisunod, nakikikain, nakikitira
125.      tubig-alat
-       tubig na nanggagaling sa dagat
126.      sampay-bakod
-       taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi
127.      takaw-tulog
-       mahilig matulog
128.      basag-ulo
-       gulo, away
129.      utak-biya
-       bobo, mahina ang ulo
130.      laman-lupa
-       bunga ng mga halamang-ugat na  nakukuha sa ilalim ng lupa

7 comments :

  1. Thanks it helps a lot

    ReplyDelete
  2. thanks u help me a lot

    ReplyDelete
  3. bat wala ang-dilang anghil,basang sisiw@kisapmata.tnx po

    ReplyDelete
  4. is sawimpalad and batobalani are tambalang salita?

    ReplyDelete